Kinumpirma ng head ng spy agency ng Amerika na Central Intelligence Agency (CIA) na matinding napinsala ng US strikes ang nuclear facilities ng Iran.
Tila nililihis naman nito ang nauna ng iniulat na leaked intelligence report na nagpagalit kay US President Donald Trump na nauna ng nagsabing nawasak nila ang nuclear facilities ng Iran.
Ayon kay CIA director John Ratcliffe, napinsala ang key sites bagamat kumambiyo ito sa pagdedeklara na na-eliminate nila ang nuclear programme ng Iran.
Ginawa ng spy agency head ang pahayag isang araw matapos ma-leak ang preliminary assessment mula sa Pentagon intelligence agency na hindi nabuwag at nananatiling intact ang mahahalagang components ng nuclear programme ng Iran matapos ang pambobomba ng Amerika.
Nanindigan naman si Trump na na-obliterate ng US strikes ang nuclear facilities Iran.
Nkatakda namang magsagawa ng interesting at irrefutable news conference si US Sec of Defense Pete Hegseth at iba pang military officials sa Pentagon ngayong Huwebes, oras sa Amerika para umano ipaglaban ang dignidad ng kanilang magigiting na American Pilots.
Last edited by forever on Thu Jun 26, 2025 3:12 pm, edited 1 time in total.