-- Advertisements --
Naging matagumpay ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos para sa pagdevelop ng Subic-Clark-Manila-Batangas (SCMB) Railway sa bansa.
Inaasahan na ang proyektong ito ay siyang magdudugtong tatlong major ports sa Pilipinas.
Ginawa ni Communications Usec. Claire Castro ang pahayag kasunod ng nilagdaang beneficiary agreement sa pagitan ng DOTr at US Trade and Development Agency.
Ayon kay Castro, makatutulong ang SCMB Railway sa pag decentralized ng port activity at upang mabawasan ang siksikan sa mga pantalan .
Ang pagpirma sa kasunduan ay layong gawing pormal ang proyekto sa pagitan ng Pilipinas at US.
Ang mga preparasyon sa naturang proyekto ay binubuo ng legal, institutional, at maging ng technical planning.