Tiniyak ng Malacañang na maayos at wasto ang paggagamitan sa 2026 national budget, lalo na ang unprogrammed appropriations.
Ito’y sa gitna ng mga batikos mula sa minorya na mistulang ito’y nagiging modernong “pork barrel.”
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, bahagi ng trabaho ng oposisyon ang magtanong, ngunit iginiit niyang kailangang ang unprogrammed funds lalo na sa mga kalamidad kung saan nauubos ang NDRRM funds.
Siniguro ni Castro na hindi basta-basta inilalabas ang mga pondong ito at mahigpit itong binabantayan.
Dagdag pa ni Castro na mismong si Pangulong Marcos ang nag-utos ng imbestigasyon sa mga iregularidad sa paggamit ng pondo, kaya’t mas lalo raw pag-iingatan ang budget upang masiguro na hindi ito masasayang.
Pina-aalahan din ni Castro na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nagpapa imbestiga patungkol sa mga maanomalyang paggamit ng pondo para sa flood control projects.
Dahil tiyak na magiging maayos ang paggasta ng gobyerno sa pambansang budget.