-- Advertisements --

Nakauwi na sa bansa ang 31 mga Overseas Filipino workers (OFW) na pinalikas mula sa Gitnang Silangan.

Sinalubong sila ng mga kasapi Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) and the Department of Migrant Workers (DMW) pagdating ng mga ito sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang 31 na OFW ay kinabibilangan ng 26 na mga Filipinos mula sa Israel, tatlo mula sa Jordan, isa sa Palestine at isa mula sa Qatar.

Lulan ang mga ito ng Qatar Airways Flight QR 934 at dumating sa NAIA ng pasado alas-8 ng gabi.

Sila ang unang batch ng mga pinalikas na mga Pinoy mula sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na bahagyang naantala ang flight dahil sa temporaryong sinuspendi ng Qatari ang air traffic.

Dagdag pa nito na mabibigyan ng mga tulong ang mga OFW.

Sa kabuuahang 30,000 na mga Filipinos ay mayroong 311 na ang tumugon sa repatriation.