-- Advertisements --
Inanunsiyo ni US President Donald Trump na magkakaroon ng pagpupulong ang US at Iran sa susunod na Linggo.
Sinabi ng US President na maaring talakayin sa pulong ng potensyal na nuclear agreement.
Sa pagdalo nito nsa North Atlantic Treaty Organization (NATO) summit sa The Hague, na maaring magkaroon na ng pirmahan ng kasunduan.
Nagkaroon na aniya ng labanan at ngayon ay sila ay pabalik na sa kanilang mundo.
Bago pa man ang nasabing kaguluhan ay hiniling nila ang commitments ng Iran para sa negosasyon.
Giit pa nito na nais ng US na walang nuclear kaya nila sinira ito ng atakihin ang Iran.