-- Advertisements --

Hindi tinanggap ng Senate Bills and Index section ang inihaing resolusyon ni Senador Ronbinhood Padilla para hilingin ang pagpapauwi kay dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa The Hague sa Netherlands kung saan siya kasalukuyang nakakulong.

Batay kasi sa Rule 44 ng Rules of the Senate, lahat ng paghahain ng panukalang batas at resolusyon ay kasabay ding matatapos sa pagsasara ng Kongreso.

Layunin ng resolusyon ang igiit ang soberanya ng Pilipinas, at ang karapatan nito na imbestigahan at usigin ang mamamayan nito.

Sinisikap din aniya ng resolusyon ni Padilla na maipahayag ang “sense of the Senate” para sa pagkakasundo at pagkakaisa ng bayan, at para matutukan ng gobyerno ang mga pangunahing pangangailangan.

Plano naman ng senador na  ihain muli ang resolusyon sa 20th Congress na magsisimula sa Hunyo 30.