-- Advertisements --

Tinawag na “fake news” ni US President Donald Trump ang mga kumalat na balita hinggil sa bisa ng kanilang isinagawang pambobomba sa nuclear sites ng Iran.

Sa kabila ng ulat ng US Defense Intelligence Agency (DIA) na hindi umano napinsala ang mga underground nuclear facilities ng Iran at ilang buwan lamang ang maaantala ang nuclear program nito.

Ngunit ayon kay Trump “inconclusive” o hindi tiyak ang ulat nang naging ulat, at naniniwala siyang nawasak na ang mga pasilidad.

“We have the best equipment, best nuclear and we have the best equipment in the world,” pagmamalaki ni Trump.

Dagdag pa ng Pangulo na una nang sinabi aniya ng Iran Ministry na, “Its nuclear installations, were very badly damaged by the American strikes.”

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos dumalo si Trump sa NATO summit sa Netherlands, nitong Miyerkules (local time) kasama ang kapwa officials at si US Defense Secretary Pete Hegseth, na isa rin sa nagduda sa bisa ng ulat ng DIA.