Trump
Donald Trump

Pinabulaanan ni US President Donald Trump na ito ay inatake sa puso.

Kasunod ito ng lumabas na balita noong ito ay bumisita sa Walter Reed Medical Center sa Maryland.

Inakusahan nito ang ilang mamamahayag sa pagpapalabas ng maling impormasyon tungkol sa kaniyang kalusugan.

Aniya na siyam na beses na itong bumisita sa nasabing pagamutan mula noong ito ay maupo sa puwesto.

Nauna rito lumabas ang balita na inatake sa puso ang pangulo ng ito ay nagtungo sa nasabing pagamutan kung saan hindi sinunod ang normal procedure tuwing isinasagawa ang presidential medical exam.

Magugunitang inilabas ng White House ang medical record ni Trump at ipinakitang ito ay malusog.