-- Advertisements --
Muling ipinaggigiitan ni US President Donald Trump na dapat mabilis na isagawa ang impeachment trial nito.
Sinabi nito na gawa-gawa lamang ang impeachment laban sa kaniya dahil walang mali sa ginawa nitong pagtawag sa pangulo ng Ukraine.
Tiwala pa rin ito sa mga mambabatas na makakakuha siya ng patas na hustisya kapag magsimula na ang impeachment trial.
Nauna rito nanumpa sa harap ni US Supreme Court Chief Justice John Roberts ang nasa 100 na mambabatas na napili na maging jurors sa impeachment trial ni Trump kung saan magsisimula ito sa Enero 21.
Magugunitang inakusahan kasi si Trump ng abuse of power at obstruction of Congress dahil sa pagpapaimbestiga kay dating US Vice President Joe Biden ng tawagan niya ang pangulo ng Ukraine.