Nagnegatibo na sa coronavirus si US President Donald Trump ilang oras bago ang huling presidential debate nila ni Democrats presidential candidate Joe Biden.

Ayon sa White House, nais nilang tiyakin sa publiko na ligtas at malusog ang US President bago humarap kay Biden.

Ilan sa mga ginawang safety measures na ipinatupad ng mga organizers ng debate ay ang paglalagay ng plastic barrier sa pagitan ng dalawa.

Magugunitang kinansela noon ang pangalawang debate matapos na magpositibo sa COVID-19 si Trump.