Nagbanta si US President Donald Trump na hindi na ito manonood ng National Football League (NFL) o US soccer team matches kapag hindi tumayo ang mga manlalaro kapag ipinapatugtog ang national anthem.

Kasunod ito sa pagpayag na US Soccer Federation sa requirerment na pagbabawal sa mga manlalaro na lumuhod bilang pagpapakita ng protesta laban sa racism.

Sinabi ni Trump na kapag ginawa na ito ng sinumang manlalaro ay hinding-hindi na ito magkakainterest na manood pa ng football games.

Magugunitang lumuhod habang pinapatugtog ang US national anthem si NFL quarterback Colin Kaepernick na nananawagan ng racial injustice na ginaya noon ni US women’s national team member Megan Rapinoe noong 2017.