-- Advertisements --

Inanusnyo ng Office of Civil Defense (OCD) na walang naitalang casualty sa Davao Occidental matapos itong yanigin ng magnitude 6.1 na lindol nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, as of 8:00pm kagabi ay wala pa ring naiuulat na nasaktan o nasawi sa naging pagtama ng lindol sa lalawigan.

Dagdag pa dito ay wala ring naiulat na mga malalaking danyos sa imprastraktura, maging mga landslides, o mga road damages sa mga epaktadong lugar.

Samantala, patuloy naman na nakamonitor ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga maari pang aftershocks.

Nauna naman na dito naitala ng PHIVOLCS na naramdaman ang intensity V sa mga lugar ng Glan at Marungon sa Sarangani, sa pantukan at maging sa Davao de Oro habang intnsity IV naman ang naitala sa Alabel, Kiamba at Malapatan sa Sarangani. Gayundin sa General Santos City at nalalabing bahagi ng Davao de Oro.

Kasunod naman nito ay nagpaalala si Nepomuceno sa publiko na palaging tandaan ang mga earthquake safety protocols at manatiling kalmado upang maiwasan ang mga hindi inaasahang sitwasyon.