-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, nitong madaling araw ng Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang pagyanig dakong alas-1:44 ng madaling araw. Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 10 kilometro.
Sinabi ng PHIVOLCS na wala itong inaasahang idudulot na pinsala sa mga istruktura o komunidad sa lugar.
Wala rin umanong inaasahang mga aftershock kasunod ng naturang pagyanig, ayon sa PHIVOLCS.














