Trump in INdia
Trump in India

Mainit na sinalubong ng mga taga India sina US President Donald Trump at asawa nitong si Melania.

Ito kasi ang unang pagbisita ni Trump sa India na unang pinuntahan ang bayan ng Gujarat ang bahay ni Prime Minister Narenda Modi.

Nakatakdang magpulong naman ang dalawang lider kung saan inaasahan na tatalakayin ang matibay na samahan ng dalawa.

Agad na binisita ng dalawa ang sikat na Taj Mahal sa unang araw na kanilang pagbisita at sinundan na pinuntahan ang sikat na “monument to love” para sa 36-oras na pagbisita nila sa India.

Sa kaniyang talumpati sa ilang libong katao sa Motera cricket stadium pinasalamatan niya ang mga ito sa mainit na pagtanggap sa kaniya.

-- Advertisement --