-- Advertisements --

Nagpahayag si US President Donald Trump na maglalabas ito ng resolution na nagbibigay ng seguridad sa Ukraine.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni Trump sa pulong niya kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky at ilang mga European Leader.

Naniniwala ito na magkakaroon ng kasunduan na ang Ukraine at Russia.

Unang pinulong ni Trump si Zelensky kung saan naging kalmado ito kumpara sa unang pagkikita ng dalawa.

Pinasalamatan ni Zelensky si Trump dahil sa pagsulong ng pagtatapos ng giyera nila ng Russia.

Handa naman ang US na magbigay ng mga sundalo sa Ukraine para matiyak na hindi na mauulit pa ang anumang paglusob ng Russia.

Inaayos din ng US President ang pagpupulong nilang tatlo ni Russian President Vladimir Putin.

Matapos ang pulong ni Trump at Zelensky ay kasama naman nila ang ilang European leaders.

Kinabibilangan ito nina European Commission President Ursula von der Leyen, British Prime Minister Keir Starmer, Finnish President Alexander Stubb, French President Emmanuel Macron, Italian Prime Minister Giorgia Meloni, German Chancellor Friedrich Merz at North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary-General Mark Rutte.

Sa ginawang pulong sa mga European Leaders tiniyak ni Trump ang seryosong pagsulong nito ng ceasefire gaya noong naipangako niya sa kampanya na handa itong tapusin ang giyera ng dalawang bansa.