-- Advertisements --
Magpapadala ang Ukrain ng mga miliary experts sa Qatar, Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelenskyy, na tutulong sila kung paano pabagsakin ang mga drones ng Iran.
Dagdag pa nito na ito ang unang tatlong bansa base sa kanilang napagkasunduan.
Inaasahan na mayroon pang ibang bansa ang hihingi ng tulong nila.
Kabisado kasi ng Ukraine kung paano pabagsakin ang Iranian-made na Shahed drones na ito ang ginamit ng Russia sa pag-atake sa kanila.
















