-- Advertisements --
Nais ng Philippine National Police (PNP) na dagdagan pa ng bilang ng mga motorsiklo sa mga kapulisan.
Ito ay para maging mas mabilis ang kanilang pagresponde ng mga kapulisan sa iba’t-ibang krimen.
Sinabi ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr, na ayaw nilang mangyari ang mga nagaganap sa pelikula na nahuhuli ang mga kapulisan sa tuwing may krimen na nagaganap.
Pagtitiyak nito na isang malaking tulong sa kanila ang motorsiklo at tuloy-tuloy pa rin ang ginagawa nilang pagpapatrolya sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Una rito ay ilang motorsiklo na ang natanggap ng iba’t-ibang PNP stations mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang bahagi ng mabilis na pagresponde sa mga krimen.
















