-- Advertisements --

Handang isapubliko ni US President Donald Trump ang resulta ng kaniyang magnetic resonance imaging (MRI).

Subalit inamin nito na hindi niya alam kung anong bahagi ng kaniyang katawan ang isinailalim sa scan.
Naniniwala ito na hindi ang kaniyang utak ang isinailalim sa scan.

Ang nasbing komento ay kasunod ng hamon ni Minnesota Governor Tim Walz na dapat maglabas ng resulta ang MRI results ang US President matapos na batikusin siya sa paghawak nito sa Somali community.

Magugunitang noong Oktubre ay ibinunyag ni Trump na sumailalim ito sa MRI sa Walter Reed National Military Medical Center kung saan ayon naman sa White House ay isang taunang checkup lamang.