Gumagawa na ng paraan ang White House para matiyak na nababayaran ang mga federal law enforcement officer matapos ang dalawang linggong government shtudown.
Sa utos ni US President Donald Trump ay ang mga US military ay babayaran gamit ang pondo na inilaan noon sa Pentagon.
Kinumpirma din ng US Office of Management and Budget ang paghahanap nila ng alternatibong paraan para tuloy-tuloy na mabayaran ang mga federal workers.
Bukod sa military ay kabilang sa mga essential workers ay ang mga miyembro ng FBI, the Drug Enforcement Agency (DEA), US Border Patrol and Immigration and Customs Enforcement (ICE).
Inaaral na rin ng Trump administration ang altertnatibong paraan para bayaran ang mga pangunahing programa kabilang food programme para sa mga kababaihan at mga bata.
Magugunitang napilitang mag-shutdown ang gobyerno matapos na hindi magkasundo ang Republicans at Democrats na ipasa ang mahalagang spending bill para sa mga kalusugan.