-- Advertisements --

Nasa Russia ngayon sina US negotiator Steve Witkoff at Jared Kushner para isulong ang ceasefire deal sa Ukraine.

Kaharap nila si Russian President Vladimir Putin, Kremlin aide Yuri Ushakov atKremlin envoy Kirill Dmitriev.

Umaasa si Witkoff na tutugon na ang Russia sa nilalaman ng ceasefire deal.

Magugunitang nagkaroon ng alinlangan ang Ukraine dahil sa mas pinapaburan ng ceasefire and Russia gaya ng pagbibigay ng teritoryo nila.

Umaasa naman ang US na maayos na at tumugon na ang Russia sa ceasefire deal para tuluyan ng matapos ang ilang taon na giyera nila ng Ukraine.