-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng White House ang ginawa nilang airstrike sa mga bangka na nagdadala ng iligal na droga sa Caribbean.

Ayon sa White House na ang airstrike ay base sa kautusan ni Adm. Frank M. “Mitch” Bradley, ang commander of the US Special Operations Command.

Una na rin sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth na ang mga narco-terrorist group ay marapat na patawan ng mabigat na kaparusahan.

Magugunitang mayroong 20 mga airstrikes ang ginawa na ng US military sa mga drug boats na ikinasawi ng mahigit 60 katao na.