-- Advertisements --

Nanindigan ang Ukraine na hindi nila basta ibibigay ang anumang teritoryo na kanilang nasasakupan sa Russia.

Ang nasabing hakbang ay kabilang sa nakasaad sa ceasefire deal na isinusulong ng US.

Sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelensky, na tila pagbabalewala sa international law kapag sila ay tumugon sa kasunduan.

Nanawagan ito na kapag interesado ang Russia sa tunay na tigil putukan ay marapat na tanggapin ang anumang nakasaad sa ceasefire deal gaya ng pagtigil sa pag-atake sa kanila.