-- Advertisements --
Nagpasalamat ang Department of Education–National Employees’ Union (DepEd-NEU) sa DepEd management dahil sa patuloy nitong pagsuporta sa union kung saan nangako ang ahensya na mag-bibigay sila P10,000 na Collective Negotiation Agreement (CNA) incentive para sa 2025.
Ayon kay DepEd-NEU president Atty. Domingo Alidon, ipinahayag mismo ni Undersecretary for Operations Malcom Garma ang commitment ng ahensya para sa pamamahagi ng incentive.
Pinuri rin ng union ang suporta ng DepEd sa kanilang mga aktibidad, kabilang ang matagumpay na pagdaraos ng 17th DepEd-NEU National Congress sa Baguio City.
Binigyang-diin ni Alidon na mahalagang kinikilala ng DepEd ang kontribusyon ng non-teaching personnel na itinuturing niyang “gulugod” ng departamento.










