-- Advertisements --
Nagmatigas si US President Donald Trump na hindi raw ito magsusuot ng face mask sa kabila ng ibinaba nitong medical guidance sa mga Amerikano.
Ayon kay Trump, hindi niya raw nakikita ang kanyang sarili na hinaharap ang mga presidente, prime minister, at iba pang mga matataas na opisyal ng ibang bansa habang may suot na face mask.
Giit ni Trump, boluntaryo lamang ang inilabas nitong guidance.
“You do not have to do it,” wika ni Trump. “I don’t think I’m going to be doing it.”
Batay sa kautusan, inaabisuhan ang mga Amerikano na gumamit ng malinis na tela upang ipantakip sa kanilang mukha habang nasa labas.
Nananatili kasing may kakapusan ng suplay ng face mask sa Amerika, na inilaan muna ng gobyerno sa mga healthcare workers. (BBC)