Reading Time: 1 minute
Donald Trump Ireland
Trump

Binigyan ng presidential pardon ni US President Donald Trump ang limang convicted criminals.

Inilabas ng White House ang mga pangalan ng mga ito na sina John Richard Bubala, Roy Wayne McKeever, Rodney Takumi, Michael Tedesco at Chalmer Lee Williams.

Lahat ng mga ito ay hinatulan sa kanilang mga kaso noong nakaraang 20 taon.

Nakasaad dito na ang pag-amin ng mga suspek sa kanilang krimen at community service o charitable work ay siyang susi sa pagbibigay sa kanila ng pardon.

Ayon kay Trump na pinag-aralang mabuti nila ang kaso ng bawat isa at nakitang nararapat na mabigyan ang mga ito ng executive clemency.