-- Advertisements --
Binatikos ni US President Donald Trump ang mga bansang kumikilala ng two-state solution sa Palestine State.
Sa kaniyang talumpati sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York, na ang nasabing hakbang ay tila isang gantimpala sa mga Hamas.
Muling nanawagan din ito sa mga bansa na dapat ay magtulong-tulong sila para sa pagpapatupad ng ceasefire para sa pagtatapos ng giyera sa Gaza.
Inamin nito na mahirap din wakasan ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia subalit handa itong gumawa ng hakbang gaya ng pagpapatupad ng mabigat na sanctions sa Russia para tumugon sa ceasefire.
















