-- Advertisements --
Hinikayat ng Tourism Congress of the Philippines ang mga airport authorities na gumawa agad ng hakbang para hindi na maulit pa ang naganap na pamamayagpag ng mga surot sa mga paliparan.
Sinabi ni James Montenegro ang pangulo ng grupo na isang nakakahiya subalit isolated na insidente ang nangyari.
Kapag matugunan agad ito ay tiyak na hindi na lalaki pa ang nasabing usapin.
Umaasa ito na ang nasabing isyu ay walang magiging mabigat na epekto sa industriya ng turismo sa bansa.
Una ng humingi ng paumanhin ang Manila International Airport Authority sa mga nagreklamong sila ay kinagat ng bedbug o surot sa mga inupuan nila sa paliparan.
Agad naman nilang tinanggal ang nasabing mga upuan at nagsagawa ng dissenfection sa lugar.