-- Advertisements --

Nagagamit na ngayon ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang mga bagong immigration e-gates ng paliparan.

Ayon sa New NAIA Corp. (NNIC), ang mga e-gates ay gumagamit ng passport scanning at facial recognition upang mapabilis ang pagproseso ng mga pasahero at mabawasan ang pila.

Ang mga bagong e-gates ay mula sa Amadeus, isang kompanyang nagsusuplay ng makabagong teknolohiya para sa mga terminal at paliparan sa buong mundo.

Samantala, sa pahayag ng NNIC, mayroong 78 biometric immigration e-gates na ilalagay sa iba’t ibang terminal ng NAIA.