-- Advertisements --

Pinaghandaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t-ibang paliparan sa bansa ngayong Holiday Season.

Sinabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio na inaasahan ang nasa 980,000 na mga pasahero ang papasok at lalabas sa bansa.

Noong nakaraang taon ay mayroong silang naitalang 895,000 na pasahero ang pumasok at lumabas.

Dagdag pa ni Apolonio,na kada taon ay umaabot sa 7-10 porsyento na pagtaas sa mga bumabiyahe.

Dahil dito ay lahat ng mga 44 CAAP-operated commercial airports ay itinaas na ang alerto dahil sa inaasahang pagtaas ng pasahero.