-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hindi pa umano matatangal ang ipinatupad na total lockdwon sa bansang Uganda matapos ang isang Ugandan na galing umano sa ibang bansa ay nagpositibo sa COVID 19.

Ito ang binahagi ni Bombo International Correspondent Julz Cagat, isang marketing officer sa nasabing bansa at tubong Ormoc City.

Aniya, marami umanong residente doon ang apektado kung saan halos sa mga ito ay nawalan ng trabaho.

Maging ang paglabas ng mga ito sa kanilang pamamahay ay naging limitado narin maliban na lamang umano sa mga medical frontliners, government officials at nagdadala ng mga essential goods.

Nagtutulungan nalamang umano sila ngayon ng mga kaparehong Pinoy doon sa pamamaraan ng asosasyon ng mga OFWs sa nasabing bansa.