Tokyo Olympics 2
Tokyo Olympics

Tuluyan ng ipinagpaliban ng International Olympic Committee (IOC) ang 2020 Tokyo Olympic dahil sa COVID-19 global pandemic.

Sinabi ni IOC member Dick Pound na opisyal nilang ipinagpaliban ang malaking torneyo na nakatakdang magsimula sa Hulyo 24.

Hindi naman nito binanggit kung ano ang bagong petsa na napili para sa Olympics.

Magugunitang maraming mga bansa ang nanawagan na ipagpaliban na lamang ito dahil sa patuloy na pagkalat ng deadly virus.

Nagdesisyon rin ang Canada at Australia na hindi na sila magpapadala ng mga manlalaro kung natuloy pa ang Olimpiyada dahil sa banta ng virus.