-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng PBA Season 50 Philippine Cup ang TNT Tropang 5G.

Ito ay matapos na talunin nila ang Meralco Bolts 99-96 sa Game 5 seminfinals na ginanap sa Smart Araneta.

Bumida sa panalo ng TNT si Jordan Heading na nagtala ng 31 points habang mayroong 25 points, apat na rebounds at apat na assists si Rey Nambatac.

Ayon kay TNT head coach Reyes na kaniyang pinuri ang mga manlalaro dahil sa hindi sila agad bumibigay.

Nabura kasi ng TNT ang limang puntos na kalamangan ng Bolts sa natitirang 27 segundo ng last quarter.

Nasayang naman ang ginawang 36 points ni CJ Cansino at ang 17 points ni Aaron Black para sa Bolts.