TNT KATROPA
Tnt Ka Tropa

Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT KaTropa para tuluyang makapasok sa Finals.

Ito ay matapos makuha ang 2-1 na kalamangan sa best of five semifinals nila ng Meralco Bolts 101-97 sa PBA Governors’ Cup semifinals.

Pinangunahan ni Troy Rosario ang panalo ng TNT na nagtala ng 25 points habang mayroong 18 points at 14 rebounds si KJ Daniels.

Ikinatuwa naman ni TNT coach Bong Ravena ang panalo dahil sa naipagana nila ang kanilang matinding depensa sa laro.