-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT Tropang 5G para makapasok sa finals ng PBA 50th Philippine Cup.

Ito ay matapos na tambakan nila ang Meralco Bolts 102-83 para makuha ang 3-1 na kalamangan sa best of seven semifinals sa laro na ginanap sa MOA Arena.

Bumida sa panalo ng TNT si Poy Erram na nagtala ng 27 points habang mayroong 15 points ang naitala ni Jordan Heading.

Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na isang hamon sa kanila ang hindi paglalaro ni Chris Newsome matapos na magtamo ng injury.

Hindi naman umubra ang ginawang 19 points ni Chris Banchero at 17 points ni Cliff Hodge para sa Bolts.