-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa sa mga nasa Metro Manila at mga karatig na lugar, para maghanda sa malakas na buhos ng ulan at hangin simula mamayang hapon.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Tisoy sa layong 55 km sa silangan ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 205 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 25 kph.

Signal number 3:

Burias Islands, Romblon, southern portion ng Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, kasama na ang Lubang Island, Batangas, Cavite at Laguna

Signal number 2:

Camarines Sur, Camarines Norte, Albay , Catanduanes, Sorsogon, Metro Manila, Bulacan, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, southern Aurora, Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands, Calamian Islands, Cuyo Islands, Zambales, Pangasinan, Masbate kasama ang Ticao Islands, Western portion ng Northern Samar, northwestern portion ng Samar, Aklan, Capiz at Northern Antique

Signal number 1:

Southern Isabela, Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Quirino, natitirang bahagi ng Aurora, northern portion ng Palawan, nalalabing bahagi ng Northern Samar, parte ng Samar, Biliran, northern Negros Occidental, bahagi ng Antique, Iloilo, Guimaras at Leyte