-- Advertisements --

Nagdeploy na ng mga karagdagang unit ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Northwestern Luzon upang tumugon sa matinding epekto ng bagyong Emong.

Ngayong araw ay itinaas na ang kanlurang bahagi ng La Union at hilagang bahagi ng Pangasinan habang ang iba pang bahagi ng Ilocos Region ay itinaas din sa ilalim ng signal No. 2.

Idineploy ng Coast Guard District Northwestern Luzon ang Deployable Response Group (DRG) at Search and Rescue (SAR) units nito upang umasiste sa malawakang paglikas sa mga binahang lugar.

Ito ay maliban pa sa mga unit na idineploy ng Coast Guard Station Pangasinan, La Unioin, Ilocos Sur, atbpang substation.

Nagpadala na rin ng augmentation ang Coast Guard District Northeastern Luzon para tumulong sa mga operasyon habang nagpapatuloy ang pagbayo ng bagyong Emong, lalo na sa coastal communities.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pag-rescue ng PCG sa mga binahang komunidad sa Ilocos Region kung saan marami sa mga ito ay mula sa probinsya ng Pangasinan.