-- Advertisements --
Nadismaya ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Executive Secretary, na hindi nila napakinggan ang hinihintay nila ang hakbang na gagawin sana ng Pangulo laban sa talamak na online gambling.
Giit nito na sana ay pinatutukan na lamang ng pangulo ang paglaban sa online gambling dahil maraming mga kabataan ang nalululong dito.
Hindi dapat aniya balewalahin ang nasabing isyu dahil sa maraming mga pamilya ang nasira dahil sa online gambling.
Magugunitang makailang ulit ng nanawagan ang CBCP sa gobyerno na labanan dapat ang online gambling dahil sa negatibong epekto nito sa pamilya.