-- Advertisements --

Humina na ang bagyong Emong habang patuloy itong kumikilos sa karagatang bahagi ng Extreme Northern Luzon.

Batay sa kasalukuyang track o kilos ng bagyo, inaasahang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon, Hulyo 26.

Southwest monsoon pa rin ang makakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon at Western portion ng Visayas at asahan na mga pag-ulan .

Huling namataan ang mata ng bagyong Emong sa coastal waters ng Sabtang, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 115 km/h.

Kumikilos ang bagyong Emong pa North Northeastward na direksyon sa napanatiling bilis na 40 km/h.

Sa ngayon ay nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No.2 sa Batanes at Babuyan Islands habang nakabandera naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Ilocos Norte, Apayao, and mainland Cagayan.

Maliit pa rin ang tyansa na pumasok sa loob ng PAR ang bagyong may international name na KROSA.

Nmataan ito sa layong 2290 km East ng Central Luzon at nananatili sa Tropical Storm category na may lakas ng hangin na umaabot lamang sa 60km/h at pagbugso na 80km/h.