-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Agosto 17, na may tyansa ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na maging tropical depression sa loob ng 24 oras.

Huling namataan ang LPA sa layong 600 kilometro ng silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes. Inaasahang makakaaapekto ito sa mga lalawigan ng Ilocos Region, Apayao, Cagayan, Zambales, at Bataan.

Samantala, patuloy naman makakaapekto ang Habagat na magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may posibilidad ng biglaang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nagbabala naman ang weather bureau sa banta ng flash floods at landslide sa mga apektadong lugar.

Bukod dito, isang LPA din ang namataan sa labas ng PAR, sa layong 1,010 km ng West of Northern Luzon at mataas ang tsansang maging bagyo.