-- Advertisements --

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte na maging mapagpasensya at matiyaga sa gitna ng COVID-19 pandemic at bahala na ang Diyos sa mga pangangailangan ngayong panahon ng health crisis.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang panawagan matapos maitala na sa 67,456 ang COVID-19 cases sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte na marunong ang Diyos at hindi tayo pababayaan lalo mga Kristiyano ang mga Pilipino.

“The important thing here is perseverance. You must persevere during this time. Marunong ang Diyos. Hindi tayo pababayaan, lalo na Pilipino tayo, Kristiyano tayo,” ani Pangulong Duterte.

Kasabay nito, inamin ni Pangulong Duterte na siya mismo ay nababagot na sa mga ipinaiiral na restrictions at pagbabawal sa panahon ng community quarantine.

Mistulang na raw siyang inbutil at walang nagagawa maliban sa mga paperworks na inaatupad.

“Gusto ko na buksan ang puerta, if not for science. Aside from voluminous paperwork, inutil na ako, wala na akong magawa,” dagdag ni Pangulong Duterte.

Pero kailangan daw magsakripisyo at ialay ang paghihirap na dinaranas sa Panginoon.

“Magsakripisyo tayo, tutal ang idol natin, hinampas-hampas, pinako pa sa krus. Tayo, simba-simba lang. Dedicate your sacrifices to the Lord, dedicate the suffering for the country.”