NEW YORK CITY – Nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) ang tigre sa Bronx Zoo sa New York, USA.

Tiger
Bronx Tiger

Ito na ang itinuturing na unang kaso ng infection sa hayop sa Estados Unidos.

Ang 4-year-old Malayan tiger na pinangalanang Nadia at anim na iba pang tiger at lion ay nagkasakit din.

Pinaniniwalaan na posibleng nahawa ang nasabing mga hayop sa empleyado ng zoo na nagkasakit.

Ayon naman kay Dr. Jane Rooney, beterinaryo at USDA official na walang ebidensiya na maaaring magkalat ng virus ang nasabing mga hayop.