ILOILO CITY – Sold out na ang tickets mula sa pinakamurang halaga nito na nasa $3,238 hanggang sa pinakamahal na umabot sa $120,000 para sa game 5 ng nagpapatuloy na NBA Finals.

Ang pinakamahal na tickets ay para lamang sa magkapares kung saan tig $60,000 sa bawat isa na makakaupo ng komportable sa courtside seats.

Mas double ang presyo nito ngayon kahit pa parehong upuan lang ito noong Game 1.

Sa ulat ni Star FM Iloilo international correspondent Amzkie Calar, OFW sa Canada, sinabi niyang maliban sa sold out na tickets, kahit saang public viewings at saang sulok naman ng kalsada ngayon ay madidinig din ang sigaw na ”To witness history” at ”We the north” bilang suporta sa laban ng Toronto Raptors kontra sa Golden State Warriors.

”Kahit saang gilid ng mga shops, mga buildings, makikita mo ‘yong ” We the north” at nag che-cheer sila sa Raptors. Marami kang maririnig na mga sigaw na ” We the North! We the North! Go Raptors!”