Tinatayang hanggang All-Star break sa Pebrero ng susunod na taon pa umano magpahinga si Golden State Warriors shooting guard Klay Thompson.

Sinabi ni general manager Bob Myers, magbibigay umano sila ng update ukol sa kanyang status sa nasabing panahon.

“We’ll have another update on him probably around the All-Star break,” wika ni Myers. “Don’t construe that as if we think he’ll be back by the All-Star break. That just means we’ll have an update then.”

Sa pagtataya, sasabak sa 55 na laro ang Warriors na wala si Thompson, na dumanas ng napunit na ACL noong Game 6 ng NBA Finals kontra sa Toronto Raptors nitong Hunyo.

Hindi naman napigilan ang injury ang paglagdang muli ng five-time All-Star sa limang taong max extension sa Golden State na nagkakahalagang $190-milyon.