Pinili ng Dallas Mavericks ang 6’9 small forward na si Cooper Flagg bilang No. 1 overall pick sa 2025 National Basketball Association (NBA) draft.
Si Flagg ay naglalaro ng college basketball sa Duke University, hawak ang ilang mga award tulad ng National college player of the year (2025), Consensus first-team All-American (2025), USA Basketball Male Athlete of the Year (2022), atbpa.
Sa kasalukuyan, siya ay 18 y/o pa lamang ngunit nagagawa niyang makipagsabayan sa mga mas nakakatandang player.
Bago ang NBA draft, hawak niya ang average na 19.2 points per game, 7.5 rebounds per game, at 4.2 assists per game.
Nagagawa rin niyang magposte ng 1.4 steals per game at 1.4 blocks per game habang nairehistro nito ang 31 mins na paglalaro sa hardcourt.
Sa pagpasok niya sa Dallas Mavericks, makakasama niya ang mga batikang NBA player at mga NBA champion na sina Anthony Davis, Klay Thompson, at Kyrie Irving na kasalukuyang nagpapagaling mula sa Achilles injury.