Tinanghal bilang NBA Rookie of the Year si Dallas Mavericks Cooper Flagg.
Siya ang unang rookie mula kay Michael Jordan noong 1984-85 para pangunahan ang koponan sa dami ng puntos, rebounds, assists at steals.
Tinalo ng 19-anyos na si Flagg ang kapwa Duke teammate nito dati na si Kon Knueppel na nasa Charlotte Hornets.
Naging matindi ang labanan nina Flagg at Knueppel sa botohan subalit lumamang ang Mavs star sa dalawang laro kung saan ito ay nakapagtala ng 96 points.
Nakuha naman ni Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs ang Defensive Player of the Year habang Clutch Player of the Year award si Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma City Thunder.
Tinanghal din si Keldon Johnson ng Spurs bilang Sixth Man of the Year, habang si Derrick White ng Boston Celtics ay nagwagi ng Sportsmanship Award at Most Improved Player naman si Nickeil Alexander-Walker ng Atlanta Hawks.
















