-- Advertisements --

Nanguna si Dallas Mavericks forward Cooper Flagg, na tinanghal na Rookie of the Year at No. 1 overall pick, sa NBA All-Rookie First Team.

Kasama niya sa listahan sina Kon Knueppel ng Charlotte Hornets, VJ Edgecombe ng Philadelphia 76ers, Dylan Harper ng San Antonio Spurs, at Cedric Coward ng Memphis Grizzlies.

Sina Flagg, Knueppel, at Edgecombe ay unanimous picks, habang si Harper ay nakakuha ng 93 first-team votes at si Coward ay 29.

Naging makasaysayan si Knueppel bilang unang rookie na nanguna sa liga sa three-pointers made (273).

Samantala, si Flagg ay nagtala ng 21 puntos kada laro at pumangalawa sa assists (4.5), habang si Edgecombe ay may 16 puntos at 4.2 assists kada laro.

Ang pagkakapili sa kanila ay patunay ng bagong henerasyon ng mga manlalaro na handang magdala ng panibagong sigla sa NBA.