-- Advertisements --

Tinanggal na bilang head coach ng Dallas Mavericks si Jason Kidd.

Limang taon na nanilbihan si Kidd sa Mavericks at nagawa niyang pangunahan ang koponan para ibulsa ang Western Conference championship noong 2023-24 season.

Gayonpaman, nairehistro rin niya ang tatlong ‘losing season sa Maves, kasama na ang katatapos na season kung saan binalikat ng koponan ang nakakadismayang 25-56 na kartada.

Sa official statement na inilabas ng koponan ngayong araw, May 20, nakasaad dito ang pasasalamat ng Dallas sa naging kontribusyon ni Kidd bilang isang dating player ng koponan at kinalaunan ay bilang coach.

Iginiit ng koponan na hindi matatawaran ang kaniyang tulong sa buong franchise, lalo na noong nadala niya ang koponan sa Finals noong 2024.

Unang pumirma si Kidd ng kaniyang contract extension noong October 2025 at mayroon pa sana siyang apat na tao para manatili sa koponan, kasama ang $40 million na bayad.

Gayunpaman, sinabi ng Mavericks na nagkasundo ang team management at ang kampo ni Kidd na tuluyan nang tapusin ang kanilang ugnayan.