Pumirma ng multiyear extension si Jason Kidd bilang head coach ng Dallas Mavericks.
Ngayong taon ay ikaapat na season na ni Kidd bilang head coach ng Mavs, kung saan pinamunuan niya ang koponan patungong Western Conference Finals noong 2022 at NBA Finals noong 2024, kung saan natalo sila sa Boston Celtics.
Matapos magpakita ng interes ang New York Knicks na kunin siya bilang coach, agad siyang inalok ng extension contract ng Mavericks upang manatili sa organisasyon.
Si Kidd ay may kabuuang record na 362-339 sa siyam na taon bilang NBA head coach sa Dallas, Brooklyn, at Milwaukee, habang 179-149 naman ang kanyang record sa Mavericks sa loob ng apat na taon.
Noong 2011, naglaro si Kidd para sa Dallas Mavericks kasama si Dirk Nowitzki, kung saan nakuha nila ang kampeonato. (ESPN)