-- Advertisements --
Sinuspendi ng Constitutional Court ng Thailand ang kanilang Prime Minister na si Paetongtarn Shinawatra.
May kinalaman ito sa leaked phone conversation nito kay dating Cambodian leader Hun Sen.
Sa nasabing lumabas na usapan ay tinawag niyang “uncle” si Sen na binatikos ng military commander ng Thailand.
Dahil din dito ay ikinagalit ng publiko at nagsagawa silang petisyon na tanggalin siya sa puwesto.
Ikinokonsidera din ng korte ngayon na siya ay tanggalin sa puwesto.
Si Paetongtarn ay siyang pangatlong politiko sa pamilyang Shinawatra na nadomina ang Thai politics sa nagdaang dalawang dekada na hindi matatapos ang termino.