-- Advertisements --

Sinabi ng hukbong sandatahan ng Thailand na nilabag ng Cambodia ang 10-araw na tigil-putukan matapos umanong magpaputok ng mortar sa Ubon Ratchathani province noong Martes, na ikinasugat ng isang Thai soldier.

Ayon sa Thai army, tinamaan ng shrapnel ang sundalo at agad itong inilikas para sa gamutan. Tumanggi namang magkomento ang Cambodia defense ministry hinggil sa alegasyon.

Nag-ugat ang matagal nang sigalot ng dalawang bansa sa hindi malinaw na border demarcation mula pa noong panahon ng kolonyalismo. Noong nakaraang taon, ilang beses sumiklab ang labanan na ikinamatay ng dose-dosenang katao at nagpaalis sa humigit-kumulang isang milyong residente.

Nagkasundo ang Thailand at Cambodia sa ceasefire noong Disyembre 27, kabilang ang pagtigil ng putukan at pagyeyelo ng galaw ng tropa, ngunit nananatiling hindi pa nareresolba ang alitan sa hangganan. (report by Bombo Jai)